This essay was written by Bantayog ng mga Bayani martyr, Valerio L. Nofuente, in 1979 in reaction to the proposal to ban jeepneys on major roads of Metro Manila, and to eventually get rid of PUJs in the metropolis.
Source: Sagisag, Disyembre, 1979, Page 5 -9
Naging bahagi ng di-magkamayaw na usapan ang plano na hindi pahihintulutang pumasada ang mga dyipni sa mga pangunahing kalsada upang sa hinaharap ay tuluyan nang alisin ang behikulo sa loob ng Metro Manila.
Natigatig ang libu-libong drayber at operator at may ilan pang libong mekaniko at manggagawa sa maliliit na motor shop at tindahan ng segunda- manong gylong at baterya. Nangatwiran silang bakaw ala sa matuwid na tanggalin nag pinagkukunan ng ikinabubuhay ng marami at sinasakyan ng milyun-milyong mamamayan.
Ang dahilan ng pagtutol ng ilang estudyante ng sining at ilang mga dayuhan sa plano’y nakabatay sa katangian ng sasakyan bilang ispesimeng pangkultura . Ang dyipni, sa kanilang paningin, ay isang pambihirang ekspersyong pansining ng sambayanan. Patayin mo sa lehislasyon ang sasakyan at pinigilna rin ang kakayahan at Kalayaan ng bayan upang lumikha.
Sa kabilang dako, pinuri ng ilang nananangan sa kapakanang pang- ekonomiya ang pag-aalis ng dyipni, Panahon ngayon ng krisis sa langis at ang dyipni ay maaksaya sa gasoline kung bibilangin ang nakakaya nitong isakay na pasahero sa isang normal na byahe.
Ang pagsang-ayon ng ilang motorista’y nakasalig sa pagkayamot sa drayber na akala mo’y hari sa aspaltong gubat, walang sinusunod na batas kundi ang makadampot ng pasahero. Magaspang sumingit, humihinto kahit saang sulok, humahagibis kahit lubak, at nakakapundi ng tainga ang lakas ng stereo.
Sa panig naman ng ilang lagging-duda, ang panukala ay hindi raw dapat ikabahala sapagkat bahagi lamang iyo ng mga ningas-kugong programa. Paano raw matatanggal ang dyipni gayong bahagi ito ng institusyon at kulturang Pilipino? Parang sinabing lipulin ang lamok sa Metro Manila. Katunayan, mahigit nang sampung taong pasulput-sulpot ang plano at operasyong alisin ito, pero hayan at lalong dumarami.
Para sa dayuhan, ang behikulo ay “kataka-taka”, “pambihira”, “kakaiba”, at kung minsa’y “imposibleng sasakyan.” Sa mga oras na matrapik, ang mga kalsadang may dikit-dikit na bumper ng dyipni ay nagmumukhang isang mahabang hardin ng mga bulaklak na iba-iba ang kulay sa buwan ng Mayo. Sa mga probinsya, ang dyipining may kapasidad na dalawampung pasahero’y nakapagkakarga ng tatlumpu sa dami ng sabit sa estribo, at bukod pa sa mga kaing ng gulay, sako ng bigas at sisidlan ng kambing na nakatali sa bubong.
Ngunit para sa maraming Pilipino, ito ay singkaraniwan ng kaning araw-araw ay ipinanglalaman sa sikmura. Ito ang maaasahang sasakyan ng manggagawa papunta sa pabrika, ng estudyanteng naghahabol sa klase, ng nanay na tuwing umaga’y gumaganap ng tungkuling pasampu-sampong pisong pamalengke, ng nag-oopisinang naubusan ng pantaksi, at maging ng executive sa panahon ng krisis sa gasolinang espesyal.
Ang dyipni ay katulad ng maraming bagay at ugaling bahagi ng buhay- Pilipino. Ang disenyo ay halu-halong maski papaanong tulad ng sangkap ng lutong pinakbet, atm akulay na para ng ng pistang Ati-atihan sa Aklan. Ang loob ay sing-ingay ng palengke ng Dibisorya, ngunit relihiyosong tulad ng simbahan ng Quiapo.
Bawat dyipni ay iba, walang magkapareho. Kung baga sa pintura, ang pintor ng dyipni ay ayaw sa reproduksyon. Kung nagkataong medyo nagkahawig ang dalawang dyipni, ang tsuper naman ang gumagawa ng kaukulang pagbabago sa paglalagay ng adorno. Ito ang dahilan lung bakit mahirap ilarawan ang isang dyipni at sabihing ganito na ang lahat ng dyipni sa buong bansa. Ang manggagawa lamang ay maglalarawan ng tipikal na uri.
May pagpagpapahalagang Pilipino na makikita sa dyipni ang paglalagay ng dekorasyon sa harapan. Sa Pilipinas, maaaring walang kaayusan sa loob ng bahay, ngunit unang napagbubuti nag harapan ng bahay na nilalagyan ng mamahaling kurtina at pasong may halaman. Kaya nga sa simbahan sa Pilipinas, malimit na hindi pa tapos ang construction ng simbahan, ngunit ayos na ang magandang façade na may palamuting arkitektural. Sa dyipni, ang laging pinakamakulay ay ang harapan.
Nakasentro sa bubong ang pula at putting plastic na korona at tila ito’y simbolo ng pagkahari dahil malimit na may nakasulat na “Jeepney King”, “Queen Annie”, “Tony D’ Great”, “Superstar Cheryl”, “Magnificent Bong”, o (ang hari sa gawaan ng dyipni) “Sarao Motors Inc.” Sa gabi, nakapaligid dito ang kikislap-kislap na ilaw na tila patalastas sa bilbord. Kung minsan, may asun na sun visor sa ilalim ng korona, na may nakadipang plastic na pakpak ng manok o agila, at napapalibutan din ng ilaw.
Ang tila kisame ng bubong ay malaking espasyo at dito’y sarisaring disenyo, pangalan, at pamagat ang mababasa – lahat ng pangalan ng buong angkan ng opereytor, na nag mekanismo’y ginagaya marahil sa bus at ganito ang tagubilin: “Hilahin ang pisi, ang pagsutsot sa aso, pagpara sa tao.” Parang sinasabi nito na “Ako’y hindin alipin—ako’y tao ring tulad ninyo.”
Ang dyipni ay literature ng isang tribo sa makabagong panahon. Pumasok ka sa dyipni at maging bahagi ng isang tribo upang basahin nang kolektibo ang comic strip ni Barok sa bubungan, ang mga pangalan ng kamag-anak ng opereytor o ang mga istiker at “kawikaang” nakasulat doon. Ang pasahero sa dyipni ay hindi indibidwalistang nagabbasa ng diyaryo, nakikibasa siya sa samut-saring literature, nagmamasaid sa iba’t ibang sining sa loob ng sasakyan.
Tila elastikong goma ang kapasidad ng dyipni. Repleksyon wari ito ng kapangyarihan ng Pilipinong umangkop sa sitwasyon. Ang 16 na pasahero ay kasya, pero pwede ring gawing 17, at kung may sasakay pa, pwedeng gawing 18. Kung hindi kakasya, sumabit na lang, aabutin ng nakaupo ang kargada, at kasya pa rin. Parang bahay ng Pilipino ang dyipni. Huwag ubusin ang panahon sa kaiisip kung paano natutulog ang pamilyang may sandosenang anak sa loob ng barung-barong. Mahusay mamaluktot ang Pilipino habang umiiikli ang kumot.
Bawat sakay ng dyipni ay tila bahagi ng isang kolektiba. Iyong nasa tabi ng drayber ay tila na-ordinahang abutin ang pamasahe ng mga nasa dulo upang makaabot ito sa drayber. Ang para ay pasa-pasa. Kapag pumapara ang isa, lahat halos ay nakikisutsot at nakikipara. Kapag may batang sumasakay, kinakalong upang mapagbigyan ang ibang sumasakay. Ang lahat ito’y may dalang babala—kapag hindi na matagalan ng Pilipino ang pamamaluktot, sabay-sabay rin silang gigising at tatayo. Tila may ritwal na ginaganap sa loob ng dyipni. Ang mata ng pasahero’y wala sa direksiyon ng patutunguhan. Sila ay magkakaharap, hindi ito lugar para sa indibidwalista.
May ekonomikong dahilan din ang drayber kung bakit nais niyang mapuno nang sobra-sobra sa kapasidad ang dyipni kahit lumabag siya sa batas. Mataas ang lahat—boundary, diesoline, gasolina; at ang tong sa pulis nap ag tumaas nag presyo’y tumataas din. Kaya ang drayber ay kinaiinisan. Pumaparada kahit bawal, ihihinto ang pasahero kahit saan, magaspang sumingit na tila may karera. Kailangan niyang kumite. Magbubunganga si Misis sa hindi magkasyang panggastos. Mataas na rin ang presyo ng simpleng dibersiyong pag-inom ng beer at pagdalaw sa cabaret.
Gayunpaman, hindi dapat ikatuwa na lamang nang walang paglilimi ang dyipni. Hindi dahil nandito ang inobasyong Pilipino ay dapat nang yakapin. May katwiran ang panukalang alisin ang dyipni. Kung ikukumpara sa bus, mas magastos at mas maliit ang kapasidad ng dyipni. Para itakbo ang ilang pasahero, halos parehong dami ng gasoline, gulong at spare parts ang nauubos. Nagpapalala ito hindi lamang sa trapiko at sa krisis sa gasoline kundi pati na rin sa pagsandig natin sa korporasyong multinasyonal.
Ilang beses nang ninais pahintuin ang dyipni, ngunit hindi nagtagumpay dahil bahagi ng dyipni ang suliraning sosyolohikal. Maraming walang trabaho sa Pilipinas, at ang dyipni ay nagbibigay ng trabaho sa libu- libong paekstra-ekstrang drayber at mekaniko. Makitid ang mga kalye at hindi kasya ang bus.
Kung talagang kailangan ipagpatuloy ang pag-aalis sa dyipni sa mga pangunahing daan hanggang tuluyang alisin ito sa buong Metro Manila, ituloy natin. Kapakanang Pambansa ang dapat mangibabaw. Gayunpaman, sa pagsasabatas at pagpapaunlad ng plano, isaalang-alang lamang na ang dyipni ay behikulong may sakay na kasysayan, sining, at kultura.