
(The following is a Facebook status of Karl Ramirez in reaction to David Yap's Rappler essay about Bong Bong Marcos' Vice-Presidential bid. Yap articulates: "Put simply, if the last name of a candidate is your sole metric for your judgment, then you are, by definition, an uneducated voter.")
Put simply ka dyan. Talaga lang ha?
People say #NeverForget and #NeverAgain not just because Marcos ang last name ni Bong Bong, magbasa-basa ka naman susme!
Have you even tried researching about that period in Philippine history? Try digging deep into the lives of those who struggled against martial law?
Try reading Bantayog's open letter to Bong Bong? I-browse mo dito kung hindi mo alam saan hagilapin.
The issue is the extent of the crimes and atrocities committed by the Marcos family. Hindi lang yan human rights related. Yung cronyism na sinasabi mo, dyan sa tatay ni Bong Bong lumaganap. Yung mga dayuhang utang ng bansa, langya, dyan yan lumobo. Tama ka namang sabihin na hindi natapos ang problema after EDSA. Kaya nga ang tanong eh bakit hindi pinipigilan at lubusang pinapanagot ng mga sumunod na administrasyon ang mga kasabwat ni Marcos. Bakit nga ba? Impunity tol. Impunity!
Hindi pwede basta kalimutan yun gaya ng suggestion ni Bong Bong. Gamitin mo ang magna cum laude mo para maintindihan ang impunity tol. Kaya patuloy na nagaganap ang mga paglabag sa karapatang pantao, korapsyon, ay dahil hindi napapanagot ang mga salarin. Lalo na yung malalaki.
Hindi lang ito dahil sya ay Marcos. Ito ay dahil sila ay hindi lubusang nananagot. And Bong Bong is unrepentant, just like Imelda and Imee. Ewan ko kung si Macoy ay nagsisisi na sa hell.
That is dangerous! Kasi once given more power, he can literally rewrite history. O ayan, wag mong sabihing hindi yan pwede gawin ha? Kasi nga ginagawa na yan ni Bong Bong by asking all of us to forget it and by feeding people, especially the youth, with all these lies about his father's regime. Yes lies. And the educational system is not much of help either.
Hindi ako laude tulad mo. Areglado yung achievement mo na yun man. Pero sana gamitin natin ang natutunan natin para sa bayan. 'Wag nating gamitin upang ipagtanggol ang mga nagpahirap at magpapahirap sa bayan.
P.S. Ang hashtag kay NoyNoy ay #LuisitaMassacre. People also hold his family accountable sa mga kaganapan sa Hacienda Luisita, and his mom (and Mayor Lim na hepe ng pulis noon) for the #MendiolaMassacre.
Ang kasaysayan kasi ay dapat pinag-aaralan, hindi kinakalimutan. Isa pang dahilan bakit may hashtag na #NeverForget and #NeverAgain.
(Karl Ramirez is a singer-composer, son of a political detainee during Martial Law, and volunteers every now and then at Bantayog ng mga Bayani.)
https://www.facebook.com/karlramirezmusic/posts/1093319034019503